Tuesday, July 3, 2018

PAARALAN by Jemir Mondejar

"Isang taon na naman ang lumipas..."Ito ang kadalasan nating sinasabi kapag magtatapos na ang klase. Ngunit mas maganda sana kung ganito ang ating sasabihin "Isang taong puno ng ala-ala't di malilimutang karanasan na naman ang dumagdag sa mga babaunin ko sa aking pagtanda..."

Ang mga karanasan at ala-ala, iniingatan yan, dahil iyan lang ang tanging babaunin mo na kahit kailan hindi mamatay at mananatiling buhay sa memorya mo sa iyong pagtanda. Masaya ako dahil may isesave na naman akong panibagong files sa usb ko. Ang flashdrive ay utak ko at ang files ang memories na baon ko. Kaya naman ngayon, ako ay maglalahad ng mga karanasan ko. Karanasan na hindi ganuon kadaling makalimutan...

Bilang isang mag-aaral, di natin maiiwasan ang magpagod at maglaan ng oras sa mga bagay na pinapagawa sa atin. Proyekto, takdang aralin at iba pang mga gawain. Biruin mo na ang mga simpleng gawaing ito ang nagpapahirap sa akin. Mahirap kung sa isang araw, sabay-sabay ang mga asignaturang ito na nagbigay ng takdang aralin, sabihin mo mang madali lang iyan, iyan naman ang uubos sa lakas at oras mo dahil sa dami. . Halos ito nalang ang ginagawa ko sa maghapon pag-uwi ko pa lang ng bahay, at palagi na lamang late matulog sa gabi. Wala pang araw sa buong taon na ito na hindi ako nag-internet. Ang lahat ng takdang aralin at mga gawain namin ay nakakunekta sa internet. Moderno na nga ang ating panahon, ika nga nila, lahat ng bagay sa mundo at mga nais mong malaman ay “googleable” na, totoo naman kasi. Ako naman itong palaging pinagagalitan ng aking nanay dahil hindi na daw ako nakatutulong sa mga gawaing bahay dahil kaliwa’t kanan ang mga gawain sa Paaralan at mga dapat ipasa, mga dapat naming pag-aralan at dapat asikasuhin…
Wala naman akong magagawa tungkol dito dahil ito ang katotohanan ng buhay-estudyante.

NAGDAANG SANDALI by Ceslyne Berdida


Isa sa hindi makakalimutang ala-ala sa buhay ng isang tao ay ang pinakamasayang sandali na naganap sa kanyang buhay. Ala-alang nagdaan na hindi makakalimutan kailanman. Simple man ito o hindi, ngunit sa mga susunod na mga taon pang daraan ang mga ala-alang ito ay mananatili pa rin sa ating puso't isipan. Ang pinakamasayang pangyayari na naganap sa aking buhay ay ang mga sandaling nakasali ako sa Youth For Christ (YFC) Training and Orientation. Naganap ito noong ika-11 hanggang 13 ng  Mayo taong  2018. Ang training na ito ang nagtulak sa akin upang gawin ang mga bagay na hindi ko karaniwang ginagawa. Tulad ng pakikipaghalubilo sa mga kapwa ko kabataan, ang pumunta sa isang silid na mag-isa, at magdasal ng taimtim maging ang pagbabasa ng Bible.  Sa pagkakataong yaon, hindi ko inaasahang mababago ng YFC ang pananaw ko sa buhay. Tinuturing ko itong pinakamasaya at pinakamahalagang yugto sa aking buhay.  Ilan lamang ito sa naging pinakamasayang sandali ng aking buhay.  At sa ngayon, umaasa ako na mayroong pang mga pagkakataong mapapantayan ang kasiyang aking nadama sa mga sandaling yaon.

PASALAMAT SA MAYKAPAL by John Mark Osman


    Ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ay nong gumaling ang papa k sa sakit na diabetes, kasi akala ko na hindi na siya makababawi sa kanyang karamdaman pero salamat sa diyos at gumaling siya dahil napakahirap tingnan ang iyong ama na naghihirap dahil sa kanyang sakit at wala kang magawa kundi tingnan nalang siya at mag dasal nalang na gumaling siya agad. Sobrang saya ko nung araw na nalaman ko na gumagaling na siya sa kanyang karamdaman at katagalan sa awa nang diyos ay gumaling na talaga siya at habang tumatagal ay gumagaling na siya at sa panahon na yon ay sobrang saya ko

KAIBIGAN by Via Latras

   Ang buhay ay puno ng mapait na kaganapan at sa likod ng mga kaganapan na ito, ay mga matamis at maligayang pangyayari na hinding hindi natin makakalimutan kahit saan man tayo mapadpad.

   Isa sa mga masayang kaganapan na nangyari sa buhay ko sa loob ng taon na ito, ay ang makatagpo ng mga bagong kaibigan. Mga kaibigan na nag dagdag ng kulay sa aking buhay. 

   Hindi ko inakala na makakakilala ko sila, sa kadahilanang ako ay hindi sanay at walang hilig na mag gala. Nakilala ko sila sa mga hindi inaasahang panahon at dahil dito nakabuo kami ng mga pangyayari na puno ng tawanan at ngiti sa aming mga mukha, mga kwentuhan na walang kwenta at puno ng tawa.

   Sa kadahilanang 'yan, nabuo ang pagkakaibigan na kailanmay hinding hindi ko makakalimutan. Mapalad ako dahil nakilala ko ang mga taong ito na may iba't ibang pag-uugali na yaman kung ituring.

BAGONG TAON by John Rommel Peña


Malungkot man kung isipin ba ang dating masasayang pangyayari ay magiging ala-ala na lamang ngunit nakakatuwa kung ituring na may bagong taon na magsisilbing hudyat ng bagong simula para sa bawat isa sa atin.
Bagong taon, bagong simula.
Bagong taon, bagong buhay.
Bagong taon, bagong pag-asa.
Bagong taon, bagong mundo.
Ang pagsalubong sa Bagong Taon ay isa sa mga masayang nangyari sa buhay ko.
Isa ito sa pinakamasayang okasyon dahil isang beses sa isang taon lamang ito kung igunita.

DUBAI by Hanz Bantayan



                Ngayong taon ay marami akong naranasan na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Isa sa mga pangyayari sa buhay ko ay ang pagdating ko sa Dubai. Isang napakamayamang lugar at ang pag-apak ng akin mga paa sa lugar na iyon ay isa nga sa mga pangarap ko.
                Nagbakasyon ako sa Dubai ng isang buwan at doon sa lugar na iyon naranasan ko ang kakaibang mga pamumuhay. Isang bansang hinding-hindi ka matatakot na gumala sa labas kahit bitbit mo pa ang lahat ng iyong kayamanan. Ang mga tao doon ay napaka-marespeto, simpleng pagtawid lang sa pedestrian lane ay makikita mo na kung gaano ka disiplinado ang mga naninirahan doon. 
Kahit na napakalapit nang mga sasakyan nila sa pedestrian lane ay pinapatawid muna talaga nila ang mga tao. Kung disiplina lang naman ang paguusapan at respeto ay bibilib ka sa mga tao doon. Napakaraming mga lugar na magaganda tulad na lamang ng Dubai Mall o ang pinakamalaking mall sa buong mundo na matatagpuan sa tabi ng Burj Khalifa na pinkamataas na gusali sa buong mundo. Naranasan ko doon na sumakay ng jet ski.
                Isa din na hinding hindi ko malilimutan sa Dubai ay ang pag dating ko sa simbahan na nagngangalang DUBAI INTERNATIONAL CHRISTIAN CHURCH at dito ko nakilala ang mga taong sobrang bait at sobrang mapagbigay. Isa sa mga tao na hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko ay si Robert Duoglas Baker, siya ang pastor namin  sa Dubai. Napakabait ng taong ito dahil itinuring niya akong anak kahit unang beses pa lamang naming magkita ay inaaya na niya akong gumala at nililibre na niya ako. Isang taong may takot sa diyos at napakarami kong natutunan sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pamilya ko sa Dubai.
                Pero ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko na kung saan siya ang dahilan kung bakit ako naka-punta sa Dubai ay ang aking ina. Siya ang pinaka The Best na ina sa lahat. Inalagaan niya ako at binigay lahat ng gusto ko, ako na nga ang nahihiya sa tuwing mayroon siyang bibilhin na bagay para sa akin. Mahal na mahal ko ang aking ina.