Isa sa mga masayang kaganapan
na nangyari sa buhay ko sa loob ng taon na ito, ay ang makatagpo ng mga bagong
kaibigan. Mga kaibigan na nag dagdag ng kulay sa aking buhay.
Hindi ko inakala
na makakakilala ko sila, sa kadahilanang ako ay hindi sanay at walang hilig na
mag gala. Nakilala ko sila sa mga hindi inaasahang panahon at dahil dito
nakabuo kami ng mga pangyayari na puno ng tawanan at ngiti sa aming mga mukha,
mga kwentuhan na walang kwenta at puno ng tawa.
Sa kadahilanang 'yan, nabuo ang
pagkakaibigan na kailanmay hinding hindi ko makakalimutan. Mapalad ako dahil
nakilala ko ang mga taong ito na may iba't ibang pag-uugali na yaman kung
ituring.
No comments:
Post a Comment