Isa sa hindi makakalimutang ala-ala
sa buhay ng isang tao ay ang pinakamasayang sandali na naganap sa kanyang
buhay. Ala-alang nagdaan na hindi makakalimutan kailanman. Simple man ito o
hindi, ngunit sa mga susunod na mga taon pang daraan ang mga ala-alang ito ay
mananatili pa rin sa ating puso't isipan. Ang pinakamasayang pangyayari na
naganap sa aking buhay ay ang mga sandaling nakasali ako sa Youth For Christ
(YFC) Training and Orientation. Naganap ito noong ika-11 hanggang 13 ng Mayo taong 2018. Ang training na ito ang nagtulak sa akin
upang gawin ang mga bagay na hindi ko karaniwang ginagawa. Tulad ng
pakikipaghalubilo sa mga kapwa ko kabataan, ang pumunta sa isang silid na
mag-isa, at magdasal ng taimtim maging ang pagbabasa ng Bible. Sa pagkakataong yaon, hindi ko inaasahang
mababago ng YFC ang pananaw ko sa buhay. Tinuturing ko itong pinakamasaya at
pinakamahalagang yugto sa aking buhay. Ilan
lamang ito sa naging pinakamasayang sandali ng aking buhay. At sa ngayon, umaasa ako na mayroong pang mga
pagkakataong mapapantayan ang kasiyang aking nadama sa mga sandaling yaon.
No comments:
Post a Comment