Tuesday, July 3, 2018

PAARALAN by Jemir Mondejar

"Isang taon na naman ang lumipas..."Ito ang kadalasan nating sinasabi kapag magtatapos na ang klase. Ngunit mas maganda sana kung ganito ang ating sasabihin "Isang taong puno ng ala-ala't di malilimutang karanasan na naman ang dumagdag sa mga babaunin ko sa aking pagtanda..."

Ang mga karanasan at ala-ala, iniingatan yan, dahil iyan lang ang tanging babaunin mo na kahit kailan hindi mamatay at mananatiling buhay sa memorya mo sa iyong pagtanda. Masaya ako dahil may isesave na naman akong panibagong files sa usb ko. Ang flashdrive ay utak ko at ang files ang memories na baon ko. Kaya naman ngayon, ako ay maglalahad ng mga karanasan ko. Karanasan na hindi ganuon kadaling makalimutan...

Bilang isang mag-aaral, di natin maiiwasan ang magpagod at maglaan ng oras sa mga bagay na pinapagawa sa atin. Proyekto, takdang aralin at iba pang mga gawain. Biruin mo na ang mga simpleng gawaing ito ang nagpapahirap sa akin. Mahirap kung sa isang araw, sabay-sabay ang mga asignaturang ito na nagbigay ng takdang aralin, sabihin mo mang madali lang iyan, iyan naman ang uubos sa lakas at oras mo dahil sa dami. . Halos ito nalang ang ginagawa ko sa maghapon pag-uwi ko pa lang ng bahay, at palagi na lamang late matulog sa gabi. Wala pang araw sa buong taon na ito na hindi ako nag-internet. Ang lahat ng takdang aralin at mga gawain namin ay nakakunekta sa internet. Moderno na nga ang ating panahon, ika nga nila, lahat ng bagay sa mundo at mga nais mong malaman ay “googleable” na, totoo naman kasi. Ako naman itong palaging pinagagalitan ng aking nanay dahil hindi na daw ako nakatutulong sa mga gawaing bahay dahil kaliwa’t kanan ang mga gawain sa Paaralan at mga dapat ipasa, mga dapat naming pag-aralan at dapat asikasuhin…
Wala naman akong magagawa tungkol dito dahil ito ang katotohanan ng buhay-estudyante.

No comments:

Post a Comment