Tuesday, July 3, 2018

DUBAI by Hanz Bantayan



                Ngayong taon ay marami akong naranasan na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Isa sa mga pangyayari sa buhay ko ay ang pagdating ko sa Dubai. Isang napakamayamang lugar at ang pag-apak ng akin mga paa sa lugar na iyon ay isa nga sa mga pangarap ko.
                Nagbakasyon ako sa Dubai ng isang buwan at doon sa lugar na iyon naranasan ko ang kakaibang mga pamumuhay. Isang bansang hinding-hindi ka matatakot na gumala sa labas kahit bitbit mo pa ang lahat ng iyong kayamanan. Ang mga tao doon ay napaka-marespeto, simpleng pagtawid lang sa pedestrian lane ay makikita mo na kung gaano ka disiplinado ang mga naninirahan doon. 
Kahit na napakalapit nang mga sasakyan nila sa pedestrian lane ay pinapatawid muna talaga nila ang mga tao. Kung disiplina lang naman ang paguusapan at respeto ay bibilib ka sa mga tao doon. Napakaraming mga lugar na magaganda tulad na lamang ng Dubai Mall o ang pinakamalaking mall sa buong mundo na matatagpuan sa tabi ng Burj Khalifa na pinkamataas na gusali sa buong mundo. Naranasan ko doon na sumakay ng jet ski.
                Isa din na hinding hindi ko malilimutan sa Dubai ay ang pag dating ko sa simbahan na nagngangalang DUBAI INTERNATIONAL CHRISTIAN CHURCH at dito ko nakilala ang mga taong sobrang bait at sobrang mapagbigay. Isa sa mga tao na hinding-hindi ko malilimutan sa buong buhay ko ay si Robert Duoglas Baker, siya ang pastor namin  sa Dubai. Napakabait ng taong ito dahil itinuring niya akong anak kahit unang beses pa lamang naming magkita ay inaaya na niya akong gumala at nililibre na niya ako. Isang taong may takot sa diyos at napakarami kong natutunan sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pamilya ko sa Dubai.
                Pero ang pinaka-importanteng babae sa buhay ko na kung saan siya ang dahilan kung bakit ako naka-punta sa Dubai ay ang aking ina. Siya ang pinaka The Best na ina sa lahat. Inalagaan niya ako at binigay lahat ng gusto ko, ako na nga ang nahihiya sa tuwing mayroon siyang bibilhin na bagay para sa akin. Mahal na mahal ko ang aking ina.

No comments:

Post a Comment